Politics

ANG TALAMBUHAY NI RETIRE PNP CHIEF, ALBAYALDE

Sa bayan ng San Fernando, Pampanga, ipinanganak noong Nobyembre 8, 1963 ang isang batang lalaki na kalaunan ay magiging isa sa pinakamataas na opisyal ng pulisya sa bansa, si Oscar David Albayalde. Anak siya ng isang retiradong sundalo ng Air Force at ng isang masinop na ina. Bata pa lang, nakitaan na siya ng sipag at disiplina.

Una siyang nag-aral sa University of the Assumption, pero nang mabuksan ang pagkakataon, pinili niyang pumasok sa Philippine Military Academy. Dito, nagsikap siyang husto hanggang nagtapos bilang cum laude noong 1986.

Paglabas niya ng akademya, agad siyang sumabak bilang miyembro ng Special Action Force, ang elite unit ng Philippine National Police (PNP). Mula noon, unti-unti siyang nakilala bilang lider na mahigpit, disiplinado, at walang takot sa mga hamon. Naging hepe siya ng Pampanga Police at kalaunan ay umakyat bilang Regional Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Sa panahong ito, sumikat siya sa kanyang mahigpit na inspeksyon sa mga presinto at sa pagharap sa mga sensitibong kaso gaya ng pagkamatay ng ilang kabataan sa kamay ng pulisya.

Advertisement Space

Sponsored Content

Download Full Report

Get our comprehensive analysis of Albayalde's career and the PNP leadership.

Noong 2018, tinawag siyang mamuno bilang Chief ng Philippine National Police, kapalit ni Ronald "Bato" Dela Rosa. Siya ay naatasan na pangasiwaan ang buong pwersa ng pambansang pulisya, tiyakin ang kaayusan, at bantayan ang eleksiyon. Siya ay nagbitiw sa pwesto noong Nobyembre 2019 bago pa man tuluyang matapos ang kanyang termino bilang PNP chief sa sa edad na 56, bitbit ang parehong papuri at kontrobersiya na bumalot sa kanyang serbisyo.

Isa rin siyang mapagmahal na asawa at ama ng apat na anak. Mahilig siya sa mga aktibidad gaya ng skydiving, scuba diving, at motorsiklo, mga libangan na nagpapakita ng kanyang hilig sa hamon at panganib.

At kahit tapos na ang kanyang karera sa pulisya, hindi pa doon nagtapos ang kanyang paglilingkod. Noong 2025, sinubukan niyang pumasok sa politika bilang kandidato sa pagka-alkalde ng Angeles City. Bagama't hindi siya pinalad, ipinakita nito na ang kanyang hangarin na magserbisyo sa bayan ay patuloy na nagliliyab.

Sponsored Content